Kamara sumawsaw sa isyu ng ‘macho dancing’

PINAIIMBESTIGAHAN sa kaukulang komite sa Kamara de Representantes ang paglabag sa karapatan ng anim-na-taong batang lalaki na pinagsayaw ng “macho dance” sa programang Willing Willie ni Willie Revillame.

Sa kanyang inihaing House Resolution 1147, hiniling ni Ang Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy na siyasatin ang pagpapasayaw na ito upang magawan ng mga mambabatas ng kaukulang batas at malagyan ng limitasyon ang “freedom of speech.”

Binigyang-diin ng kongresista na matapos mapanood ang naturang palabas noong Marso 12, 2011 sa loob at labas ng ibang bansa ay umani na ito ng pagkondena.

“The same episode show(s) the distraught boy crying while being forced to simulate a striptease in front of national television,” ayon kay Herrera-Dy.

Ipinaliwanag ni Herrera-Dy na kahit mapatawad ng publiko o tanggapin ang paghingi nito ng paumanhin ng TV-5 ay may obligasyon pa rin ang estado na siyasatin ang nabanggit na palabas upang hindi na ito maulit sa hinaharap at matiyak ang proteksyon ng mga bata.

Nanawagan din ang kongresista sa mga sponsors na itaguyod ang mga programang kapupulutan ng talino at aral ng mga bata. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply