Kampanya vs illegal recruitment inilunsad

NAGLUNSAD ng kampanya laban sa lumalalang kaso ng illegal recruitment at human trafficking sa bansa ang pamunuan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Sinabi ni POEA Administrator Carlos Cao, Jr. na isinulong nila ang programang POEA Citizen’s Watch Against Illegal Recruitment and Human Trafficking upang protektahan ang mga mamamayan na nais lamang ay makahanap ng magandang trabaho sa ibayong dagat.

Naniniwala si Cao na makatutulong ang programa para  mas madali silang makatutugon sa mga problema ng mga taong mabibiktima ng illegal recruitment at human trafficking.

Sinuportahan naman ito ng mga dean ng mga law schools, pinuno ng mga non-government organizations (NGOs) at mga faith-based groups, sa pamamagitan nang paglagda ng Memorandum of Commitment and Patriotism (MOCP) sa POEA.

Umaasa rin si Cao na mas marami pang paaralan at mga entities ang makikilahok sa kanila sa kanilang krusada laban sa illegal recruiters at human traffickers para maprotektahan ang mga OFWs at applicant-workers. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply