Kampo ni GMA hinamon si Erap

MULING umatake ang kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga kritiko ng dating administrasyon nang hamunin ng kaniyang bayaw si dating Pangulong Joseph Estrada.

Hinamon ni Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo si Estrada na maghain ng kaukulang kaso laban kay GMA sa alinmang korteng nanaisin nito.

Si Iggy Arroyo na nakababatang kapatid ni dating First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo ay binatikos si Estrada dahil sa umano’y ginagawa nitong “punching bag” si GMA sa mga katiwaliang nagaganap ngayon sa gobyerno.

Tahasang sinabi ni Rep. Arroyo na si Estrada ang lumabag sa maraming batas sa maikling panahon ng kaniyang panunungkulan na siyang nagtulak upang mapatalsik ito sa pwesto.

“Tell him (Estrada) to file his complaint in court. By the way, he has not yet faced the other accusations against him and the fact that when he ruled the country, he broke so many rules,” ayon kay Rep. Arroyo.

Samantala, hinamon naman ni San Juan City Rep. Joseph Victor “JV” Ejercito si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na tuparin ang pangako sa panahon ng kampanya na kaniyang papanagutin si GMA at mga umano’y kasabwat nito sa mga naganap na katiwalian sa bansa.

“It is one of the campaign promises of PNoy, to bring GMA and her cohorts to the hands of the law, and people have been waiting for them to face the music,” sinabi naman ni Ejercito.

Ang minorya sa pamamagitan ni House Deputy Minority Leader Danilo Suarez ay nagsabing sasagutin na at reresbakan ng oposisyon ang anumang pag-atakeng gagawin ng administrasyong Aquino.

Kalaunan, ang sinasabing “marching order” ng Lakas party mula sa presidente nito na si Sen. Ramon “Bong” Revilla pinabulaanan mismo nito. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply