Kapalit ng sigarilyo: Batang hostage pinalaya

KAPALIT ng sigarilyo, tubig at pagkain ay pinalaya Lunes ng gabi, ng mga armadong tauhan ng nakakulong na si Ondo Perez ang 12-anyos nilang bihag.

Nanatiling hawak pa rin ng mga hostage-taker ang 12 katao kabilang ang isa pang paslit.

Kabilang sa mga nananatiling bihag sina Department of Education district supervisor Narciso Oliveros, principal Apolono Alibangbang, property custodian Joel Sausa, teachers Manuel Mordano, Felipina Quitoy, Allan Gallano, Mary Jane Bedrijo, Arnold Quitoy, Pido Dolorito, Girlie Monticalbo, Marical Lagnazon, at Shen-shen Cabagtag.

Ayon kay Army LtCol Eugenio Osias,  Mindanao Civil Relation  Group Commander, ala-sais kagabi nang magpasya ang mga hostage-taker na may hawak sa mga guro at habal habal driver na  kanilang hinarang at puwersahang tinangay sa may bayan ng Prosperidad sa Agusan del Sur na palayain ang isang bata kapalit ng kanilang kondisyon.

Sa pahayag ni Osias, naniniwala siyang makukumbinsi rin ng local crisis management committee na pinamumunuan ni Prosperidad Mayor Alvin Magdamit na palayain na rin ang nalalabing sampung taong gulang na batang lalaki na sinasasabing may sakit.

Una rito, dakong alas-tres ng hapon noong Linggo ay pansamantalang pinalaya  ng mga hostage-takers sina Agusan del Sur Division Superintendent Hipolito Lastimado at  Diosdado Cabantac, isang guro para  kumuha ng tubig at pagkain subalit hindi na sila pinayagan pang makabalik ng mga mga kasapi ng crisis management committee para sa kanilang kaligtasan.

Mismong si  National Police Chief Raul Bacalzo ang personal na sumusubaybay sa mga kaganapan sa nasabing bayan.

Habang tiniyak naman ni AFP chief of staff Gen Eduardo Oban na may sapat na puwersa ang  militar sa area sakaling bumagsak ang isinasagawang negosasyon. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply