Kapatid ni Pacman inireklamo sa barangay

MAGKAKAHARAP na sa barangay ang kapatid ni 8-division Champ Manny Pacquiao na si Brgy. Capt. Ruel Pacquiao at ang nagrereklamong si Mark Dominic Salazar matapos umano siyang sipain ni kapitan.

Nag-ugat ang hindi pagkakaintindihan ng dalawa nang magpustahan ito ng P130,000.00 sa isang billard match sa J-Mix bar na pagmamay-ari ni Manny Pacquiao. Natalo umano ang kapitan sa naturang laban at nagkaroon ng mainitang pagtatalo na humatong sa paninipa.

Inaasahan naman ni Atty. Jose Mar Albano, abogado ng nagrereklamo na mareresolba ang kaso sa Lupong Tagapamayapa ng mismong barangay ni Kap. Ruel Pacquiao.

Ipina-blotter ni Salazar ang insidente sa kanila ni Pacquiao sa San Isidro PNP.
Samantala, mariin namang itinanggi ni Ruel ang bintang ng paninipa kay Salazar. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply