Kapitan, 8 pulis suspendido sa power tripping

NAGLABAS ng suspension order ang Office of the Ombudsman laban sa isang kapitan ng barangay at walong pulis sa Malabon City matapos mapatunayang umabuso ang mga ito sa kanilang kapangyarihan.

Sa limang-pahinang desisyon ng Office of the Deputy Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement Offices, sina Chairman Policarpio Ombas ng Brgy. Tonsuya, Malabon City; Supt. Ramon de Jesus, dating hepe ng Malabon City Police; Chief Insp. Romeo Odrada; Insp. Estelito Peniano; SPO1 Rosendo Paule; PO3’s Wildredo de Leon; Ronaldo Boto; PO1’s Hector Medina at Bernardino Pacoma, pawang mga tauhan ng Malabon City Police ay napatunayang nagkasala sa kasong misconduct at pinapatawan ng anim na buwang suspension at walang tatanggaping sahod.

Sa reklamo ni Antonio Cris, June 4, 2008, dakong alas-tres ng hapon nang harangin ng mga pulis ang kanyang sinasakyang Mercedez Benz sa Sanciangco Bridge.

Ayon sa mga pulis, natimbrehan nila na may dalang mga baril si Cris na naging dahilan upang dalhin siya sa presinto kahit hindi naman nakuhanan ng baril.

Nalaman ni Cris na inutusan ni Ombas at ni de Jesus ang mga pulis na dumakip sa una at nang makalaya ay agad nagsampa ng reklamo sa Ombudsman si Cris hanggang sa lumabas ang desisyon. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply