Kapulitika ni Cong. Lucy Torres, Richard Gomez syur mag-mayor

PUKPUKAN na talaga ito.

Naglalakihang artista na ng Kapamilya ang nahahakot ng Singko.  Hataw na rin si Goma at asawang si  Congresswoman Lucy Torres Gomez tulad ng iba pa sa  Kapatid network na sina Mang Dolphy, Susan Roces, Vic Sotto, Joey de Leon. Ryan Agoncillo, Ruffa Gutierrez , Valerie Concepcion, Willie Revillame at ang latest na napirata sa Dos na si Aga Muhlach.

Kasama si Goma sa cast ng “Nagbabagang Bulaklak” na pinagbibidahan ni Valerie Concepcion. Wala naman daw complaint si Richard Gomez sa Kapatid network. Asikaso naman daw siya at masaya nga sa proyektong ipinagkatiwala sa kanya kahit busy siya sa pagpasok sa Kongreso at pagsuporta sa asawang naluklok na kongresista ng Ormoc, Leyte.

Sa totoo lang, marami ang naghinayang sa kakayahan at sinseridad ni Goma sa paglahok sa pulitika nung malaglag siya sa pagtakbo bilang partylist representative at sa senatorial race nung mga nagdaang eleksiyon.

Hindi talaga bumibitaw si Goma sa hangaring maging public servant. Nakatutuwa nga raw  na hindi nagtagumpay ang detractors niya sa disqualification issue kung tutuusin. Kinuwestiyon kasi ang period of residence ni Goma sa Ormoc pero ang asawang si Lucy ang ipinalit at inaprubahan ng Comelec.

Ang panalo ni Lucy ay panalo rin talaga ni Goma much to think na pareho sila ngayong taga-Kongreso?  Feeling Congressman  na nga raw si Goma. Well, literally speaking naman, ganun na yun dahil; taong Kongreso na siya, devah?

Masipag daw at dedicated ang isang Richard Gomez sa Kamara kahit nga back-up lang muna siya ng asawang si Lucy. Chief of Staff si Goma at aktibo sa pag-aasikaso ng mga proyekto nila para sa Ormoc.

Nakatanaw ang kampo ng mag-asawa sa posibilidad ng pagsasanib-pwersa sa 2013 election. Baka raw tumakbong mayor si Goma para mas maisulong nila ang mas magagandang proyekto sa pagpasok ni Lucy as reelectionist sa House of Representatives.

Tama lang  na hindi apaw sa proyekto si Goma sa Kapatid network dahil tutok din siya sa Kongreso. Tulad ng ibang showbiz personalities  na nasa pulitika, hindi raw naman dapat mapabayaan ang kanilang unang karera dahil whatever, andun lagi ang pagiging artista.        Kabuntot nun, huwag na huwag raw mamaliitin ang kakayahan ng mga artista sa pulitika, pansin nyo raw ba, parang pagong na dumarami ang mga actor-pulitiko kahit laitin at siraan pa. Yun na. Chat Santos

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply