Karagatan ng Masinloc, Zambales kontaminado ng red tide

KONTAMINADO ng nakalalasong red tide ang karagatan ng Masinloc Bay sa lalawigan ng Zambales.

Ito ang nabatid sa pamamagitan ng Shellfish Bulletin No. 08 na ipinalabas ng  Marine Biotoxin Monitoring Section  ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kahapon, Abril 4.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)  at Department of Health (DOH), hindi ligtas na kainin ang lahat ng uri ng shellfish gaya ng tahong, talaba, paros, tulya at iba pang gaya nito;  gayundin ang alamang mula sa mga nabanggit na karagatan.

Samantala, ligtas naman para sa human consumption ang mga isda, pusit, alimasag basta tiyakin lamang na maalis ang hasang at bituka nito, hugasan at linisan ng mabuti.

Nilinaw pa ng dalawang ahensiya na hindi ligtas ang mga nabanggit na shellfish at alamang dahil hindi ito pwedeng alisan ng hasang at bituka.  Dito sa mga bahaging ito namamahay ang bakterya na nakalalason.  Linda Bohol

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply