Karahasan sa Laperal bubusisiin ng CHR

SINIMULAN ng Commission of Human Rights (CHR) ang imbestigasyon sa marahas na salpukan sa pagitan ng mga residente ng Laperal Compound sa Makati City at ang demolition team ng pamahalaang lungsod.

Sinabi ni CHR Commissioner Jose Mamauag na bumuo na siya ng isang  grupo mula sa CHR-National Capital Region para siyasatin ang dalawang-araw na  clearing operation sa lugar ng mga iskwater na tinupok ng sunog kamakailan.

Ang demolisyon ay humantong sa madugong bakbakan noong Huwebes ng hapon.

May 18 katao ang nasaktan sa demolisyon nang pilitin ng mga residenteng manatili sa lugar at pukulan ng bato at mga bote ang mga miyembro ng demolition team.

Kasama ng mga demolition team ang elemento ng Makati police na naatasan para linisin ang lugar matapos ideklara ng city government na ito ay isang danger zone.

Sinabi ni Mamauag na hinihintay lamang ng CHR ang report mula sa  investigating team na siyang nag-monitor sa insidente noong nakaraang Huwebes ng  hapon para makagawa ng ligal na aksyon kung ito ay kailangan.

Noong Abril 19, tinupok ng sunog ang naturang compound at naapekltuhan ang may 2,000 pamilya o hanggang 10,000 katao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply