Karatistang Pinay ginulpi ang 2 kidnappers

BINIGYAN ng leksiyon ng isang Filipina katarate expert ang dalawang high school students na nagtangkang dumukot sa kanya sa Kuwait

Batay sa ulat ng isang Arab newspaper, tinangkang dukitin ang hindi pinangalanang Filipina habang papasok sa kanyang trabaho pero lumaban ito sa kanyang mga abductors.

Ayon sa report, ang mga kidnappers ay nag-aaral sa isang pribadong paaralan sa high school nang harangin ang biktima at tinangkang dukutin.

Dahil sa pagiging karate expert, inalmahan at ginulpi ng Filipna ang mga kidnappers na walang nagawa kundi ang tumakas.

Batay sa report ng Kuwaiti Daily Al Rai hinabol pa umano ng Filipina ang dalawang suspek sa loob ng pribadong paaralan sa Farwaniya at nakatawag umano ng pulis na nagresulta sa pagkaka-aresto ng mga ito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply