Karelasyon ni misis todas kay mister

PATAY ang isang 26-anyos na lalake matapos na pagsasaksakin ng mister ng kanyang karelasyon nang maaktuhan ang mga ito na kapwa hubo’t hubad na nagtatalik sa loob ng isang kuwarto Miyerkules ng madaling araw, Abril 20, sa bayan ng Tanay.

Kinilala ni Tanay chief of Police P/C. Insp. Zaldy Aquino ang biktima na si Noli Fernando, walang trabaho, residente ng  Brgy. Sampaloc, ng nasabing bayan.

Kusang loob namng sumuko ang suspek na si Roberto Palermo, 37, residente rin ng nasabing bayan.

Arestado rin ang asawa ng suspek na si Mylene Palermo, 26, matapos na sampahan naman  ng kanyang asawa ng kasong pakikiapid (adultery).

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw kung saan ay biglaang umuwi ang suspek mula sa kanyang trabaho nang mayroon umano itong makalimutang gamit.

Laking gulat nito nang pagpasok sa kanilang bahay ay maaktuhan ang dalawa na parehong hubo’t hubad at nagsasalo sa bawal na kaligayahan.

Ayon sa suspek nagdilim umano ang kanyang sispan at kinuha ang kanyang jungle bolo at saka sinaksak sa dibdib ang kalaguyo ng asawa.

Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong homicide at nakaditini sa lock-up jail ng Tanay police station. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply