Kargador inutas sa Divisoria

NATAGPUANG madugo at nakahandusay ang isang kargador sa loob ng Divisoria sa Tondo, Maynila ngayon, Abril 25 ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), ang biktima ay nakilala lamang sa alyas na ‘Asero’, 30 hanggang 35 anyos, kargador at walang kaukulang address.

Sa report ni PO3 Giovanni Valera, dakong alas-kwatro ng madaling araw nang matagpuan ang duguang bangkay ng biktima sa 4th floor ng 908 Carmen Planas sa C.M. Recto Ave., Tondo, Maynila.

Nakadiskubre umano ng dalawang ‘di nagpakilalang kasamahan ng biktima sa trabaho ang biktima sa ika-apat na palapag ng gusali.

Huling nakitang buhay ang biktima nina Edgardo Clores at Lito Geronimo, mga kasamahan din sa trabaho ng biktima, dakong alas-onse ng gabi noong Abril 24, Linggo.

Ang biktima ay nagtamo ng maraming saksak sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan sanhi ng agaran nitong ikinamatay.

Wala namang makapagsabi ng anumang impormasyon kaugnay sa pangyayari.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang madakip ang nakatakas na suspek.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Yvan Funeral para sa awtopsiya at safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply