Kargador kinatay ng tripper

BUTAS-BUTAS ang katawan ng isang kargador sa pier nang pagsasaksakin ng hindi nakilalang salarin sa Tondo, Maynila Lunes ng madaling-araw.

Kinilala sa alyas “Asero” ang biktima, kargador sa pier sa North Harbor, Tondo.

Patuloy  naman sa pangangalap ng ebidensiya ang pulisya sa ikadarakip ng hindi pa nakilalang suspek na hinihinalang bangag sa droga at lasing sa alak, agad na tumakas matapos isagawa ang krimen.

Sa ulat, 5:50 ng madaling-araw kanina nang maganap ang pananaksak sa biktima sa harapan ng ika-4 palapag ng gusali sa 908 Carmen Planas, Claro M Recto Avenue, sakop ng Tondo sa Divisoria.

Basta na lamang umanong pinagsasaksak ng salarin ang biktima sa hindi malamang dahilan bago tumakas.  Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply