Kaso laban sa LWUA malasado

MARIING itinanggi ni Local Water Utilities Administration (LWUA) Prospero A. Pichay Jr., ang akusasyon ni Finance Secretary Cesar Purisima kaugnay sa pagbili ng sapi sa umano’y naluluging Express Savings Bank (EXSBI).

Sa isang panayam, sinabi ni Pichay na hindi nalulugi ang nasabing thrift bank, bagkus ay kumikita ito.

Ayon pa kay Pichay, papaanong disadvantageous sa pamahalaan ang ginawang pagbili sa sapi o shares ng EXSB, samantalang kumikita naman ang nasabing bangko.

“In 2010, ang EXSBI ay tumubo ng P22 million. This year the bank is expected to make at least P30-35 million,” ayon pa kay Pichay sa panayam ni dating Bise President Noli De Castro.

Naniniwala pa ang dating kongresista mula sa Surigao Del Sur na hindi pinag-aralan mabuti ni Purisima ang kaso dahil isinama sa asunto ang tatlong bagong appointees ni Pangulong Benigno Aquino.

“Hindi pinag-aralan ng mabuti ang kaso. ‘Yung tatlo sa Board of Trustees ay bago lang na-appoint. ‘Yung decision namin to invest ay nangyari noong 2008 pa. Nangangahulugan lang na hindi pinapag-aralan ang inihain na kaso. That is how unprepared Purisima is as a Cabinet Secretary,” ani Pichay.

Bukod kay Pichay, sinampahan din ng paglabag sa Central Bank Act, Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Revised Penal Code sina Renato Velasco, Susana Dumlao Vargas, Bonifacio Mario Pena Sr. at Daniel Landingin.

Sa 35 panihang reklamong isinampa sa Department of Justice, sinabi ni Purisima na ang paglahok ng mga inaakusahan sa pagbenta ng sapi ng EXSBI ay lantarang paglabag sa umiiral na batas sa pananalapi at hindi pabor para sa LWUA at sa pamahalaan.

Naniniwala pa si Pichay na walang batayan ang inihaing asunto laban sa kanya at sa mga opisyal ng LWUA. Freddie Cortez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply