Kaso ng ‘Morong 43’ vs GMA may korte na

NAI-RAFFLE na ang P15-million damage suit na inihain ng ilang miyembro ng tinaguriang “Morong 43” laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at iba pang opisyal ng militar at pulisya.

Bumagsak sa sala ni Presiding Judge Leah Regala ng Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 226 ang naturang kaso na inihain nina Dr. Merry Mia Clamor, Dr. Alexis Montes, Gary Liberal, Ma. Teresa Quinawayan, Reynaldo Macabenta, at Mercy Castro, pawang mga miyembro ng Morong 43.

Matatandaan na kinasuhan si Arroyo, na ngayon ay kinatawan sa Kamara de Representantes ng ikalawang distrito ng Pampanga, noong nakaraang linggo bunsod ng mga paglabag sa karapatang-pantao na dinanas ng Morong 43 sa kamay ng militar at pulisya nang sila ay arestuhin at ikulong noong nakaraang termino ni Arroyo.

Bahagi umano ng kanilang pagsisikap na makamit ang katarungan at papanagutin ang sinumang nagkasala ang paghahain nila ng kaso sa korte.

Bukod kay Arroyo, kabilang sa inasunto sa QCRTC sina: dating National Security Adviser Norberto Gonzales; dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Victor Ibrado; Gen. Delfin Bangit; Gen. Jorge Segovia; Lt. Col. Victorino Zaragosa; Maj. Manuel Tabion; Col. Aurelio Baladad; Lt. Col. Jaime Abawag; Supt. Marion Balolong; at Supt. Allan Nubleza. Robert C. Ticzon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply