Kaso ng Morong 43 vs RGMA may korte na

MAY hahawak nang korte sa P15-million damage suit na inihain ng ilang miyembro ng Morong 43 laban kay dating Pangulo at ngayon ay Representative Gloria Macapagal-Arroyo (RGMA) at iba pang security officials ng dating administrasyon.

Bumagsak sa sala ni Presiding Judge Leah Regala ng Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 226 ang naturang kaso na inihain nina Dr. Merry Mia Clamor; Dr.Aleixis Montes; Gary Liberal, RN; Ma. Teresa Quinawayan; Reynaldo Macabenta  at Mercy Castro, pawang miyembro ng Morong 43.

Matatandaan na kinasuhan si RGMA sa korte noong nakaraang linggo bunsod ng mga paglabag sa karapatang-pantao na dinanas ng Morong 43 sa kamay ng militar at pulisya nang sila ay arestuhin at ikulong noong panahon na pangulo pa ng bansa si Rep. Arroyo.

Bukod kay Rep. Arroyo, kabilang sa inasunto sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) sina dating National Security Adviser Norberto Gonzales, dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Victor Ibrado; Gen. Delfin Bangit; dating commander ng 2nd Infantry Division (ID) Gen. Jorge Segovia; commander ng intelligence unit ng 2nd ID ng Philippine Army Lt. Col. Victorino Zaragosa; 2nd IDPA Maj. Manuel Tabion; commander ng 202nd Infantry Batallion (IB) Col. Aurelio Baladad; 16th IBPA commander Lt. Col. Jaime Abawag; commanding officer ng Rizal Provincial Public Safety Management Company P/Supt. Marion Balolong at chief ng Intelligence Branch ng Rizal Provincial Police P/Supt. Allan Nubleza. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply