Kaso ni Pilar Pilapil malabo pa rin

NANANATILING nahaharap pa rin sa blank wall ang mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group hinggil sa kaso ng dating beauty queen turned actress na si Pilar Pilapil, na sinasabing biktima ng carnapping at tangkang pagpatay.

Ayon kay PNP CIDG Chief Director Sammuel Pagdilao, lahat ng anggulo ngayon ay tinututukan ng kanyang mga ahente para maresolba ang kaso ni Crispina Martinez-Belen  tunay na pangalan ni Pilapil.

May mga anggulo na ngyong sinusundan ang mga imbestigador kabilang na dito ang kaugnayan ng isang Rossel Rosalem sa nasabing insidente na isa umano sa mga kaibigan ng artista.

Napag-alaman din kay Pagdilao na nakabuo na sila ng special team laban sa mga salarin.

Samantala, nanahimik naman ang mga kaanak ni Pilar at tumatanggi pa ring magbigay ng impormasyon hinggil sa nasabing insidente.

Base sa pahayag ng live-in partner ni PIlar na si Barnie Piñas, bandang 7:00 pa noong nakaraang gabi nang maghiwalay sila ni Pilapil upang pumunta umano ng River Banks at makipagkita kay Rosalem na hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan.

Nagpapagaling pa rin sa Medical City sa Pasig City ang aktres upang magpagaling. Verlin Ruiz

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply