Katiwalian sa AFP sa panahon ni PNoy

MULI na namang niyanig ng kontrobersya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa umanoy multi-million conversion sa pondo para sa supply ng  petroleum, oil at lubricant products kasama ang diesel at gasoline .

Ito ang dahilan kaya nabulabog ulit ang Hukbong Sandatahan at ipag-utos ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Oban ang  pagsisiyasat ng  J-4 na pinamumunuan ni Commodore Teddy Pan at ni Budget Officer Lt. Col. Padigdig sa isyu hinggil sa irregularly high delivery, consumption at distribution ng gasolina at iba pang oil products.

Nabatid na simula lamang nitong Enero hanggang Marso 15 ay umabot na sa mahigit P400 million ang distribution and consumption ng J-4 habang P150 million lamang ang limit para rito.

Nabatid na ito ay nangyari nito lamang panahon ni dating AFP Chief Ricardo David na itinalaga ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino sa Bureau of Immigration.

Nabatid na ipinag-utos ni Oban ang imbestigasyon matapos na malantad na sobrang laki ng consumption at delivery ng gasoline at iba pang petroleum products ng kumpanyang Petron.

Partikular na inatasan ni Oban ang  Armed Forces-Office of the Deputy Chief of Staff for Logistics (J-4) na siya ring umanong tanggapan na siyang ginamit  ng mga corrupt military officer sa pag convert sa daan-daan milyong piso ng pondo ng AFP, ani military whistle blower retired Lt. Col. George Rabusa.

Inutos din ni Oban na busisiin din ng provost marshal general at inspector general sa posibleng sabwatan sa pagitan ng J-4 at ilang Petron officials sa mga deliveries. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply