Price hikes di mapigil: Pulis vs kawatan

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga basic commodities, malaki ang posibilidad na darami rin ang mga kaso ng pagnanakaw at panghoholdap kung kaya magdaragdag ang pulisya ng mga magpapatrolya sa kalakhang Maynila.

Ayon kay Metro Manila police chief Director Nicanor Bartolome, kailangang paigtingin ang pagbabantay ngayon sa mga kalye dahil sa naglipana ang mga kawatan.

“We are on guard against theft and robbery. We already made plans to boost visibility in April and May because the number of theft and robbery incidents rose around this time last year. But this year, there is the ‘rising-prices factor’ so we expect more crimes against property all the more,” ayon kay Bartolome sa isang panayam sa dzRH.

ayon pa kay Bartolome, plano ng pulisya na paigtingin ang pagpapakalat ng mga pulis lalo na sa rush hour at bago at matapos ang office hours.

Matatandaang nagdagdag ang pulisya ng mga patrol personnel noong Pasko sa mga kalye tuwing 8 hanggang 10 a.m., at 3 hanggang 5 p.m. kung saan marami ang mga namimili.

Ngayong buwan ng Abril ay Mayo, plano ni Bartolome na gawing muli ang naturang formula.

“Naging successful ang pag-deploy natin ng pulis na nakatalaga sa administrative work. Ang sa opisina, sa finance, administrative at Police Community Relations at kahalintulad na opisina, ang trabaho pinapatrolya rin natin,” ayon pa kay Bartolome. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply