Kawatan sa Binangonan at iskam sa PNP-IAS

BIGYAN naman natin ng pagkakataong maibahagi ng ating mga reader ang kanilang mga sumbong, puna at mensahe.

Mga kawatan sa Binangonan, Rizal

MAYOR Boyet Ynarez, ginawa nang pugad ng kaligayahan ng mga magnanakaw ang Pila-Pila, Binangonan, Rizal. Isang alyas Tsiko, isang alyas Copper at isang alyas Arlo at isang alyas Beng ang gumagalang perhuwisyo sa aming lugar. Paki-“HELP” ninyo naman kami. ‘Di po kami titigil hangga’t patuloy na gumagala sa komunidad namin at nakapamiminsala ang mga ito.

Isa po ako sa mga nanakawan ng mga ito. Ang mga opisyal ng barangay rito walang kwenta. Mr. Benny Antiporda, paki-report naman po sa mga kinauukulang ahensya ang mga salot sa aming lugar. Huwag po ninyong i-publish ang number ko baka makilala at balikan kami ng mga ito. “Ang mga pusher, addict at magnanakaw ay mga labas-masok sa kulungan.” NAAALARMA PO KAMI. Concerned Citizen

Scam sa PNP-IAS

Sir, nabasa namin sa Remate ang tungkol sa anomalya ng mga pulis. Eto pa ang isa. Ang PNP-IAS ay may 50 percent silang natatanggap pero 6 months lang ang ibinibigay. Saan napupunta yung other 6 months? Ang pinipirmahan namin sa voucher e 12 months. Thank you po. ‘Wag po nin-yong i-publish ang number ko.

Kuryente sa relocation site

DITO po sa relocation site  sa Brgy. Gaya-Gaya, San Jose del Monte, Bulacan na ibinigay ng National Housing Authority, “GOLDENVILLE REALTY DEVELOPMENT” ang developer. Nagbibigay po ito ng kuryente tuwing gabi, 6pm-6am, gamit ang generator. Pupwede lang gamitin ang ilaw, charger ng cellphone at electric fan.

Sa last 2 weeks, nagpatap po kami rito sa dating nakatira na may kuryente. Nakapipikon yung tao ng developer na in-charge. Naninita sa gumagamit ng ibang gamit sa kuryente. Simula nang  nagpa-tap po ako, 3 beses na akong sinita.  Buti po sana kung maayos ang pagsita. Tulad noong isang gabi, may dumaan at nagtanong kung nanonood kami ng TV. Sabi ko, opo. Sabihan ba naman kami ng “GUSTO N’YO PUTULAN KO KAYO NG KURYENTE.” Sinabi ko, nagpa-tap kami at itinuro ko yung submeter na nakasabit sa labas ng pinto. Mga BALASUBAS sila.

Last week din, bigla nilang  pinatay ung breaker dahil daw sa may gumagamit ng radyo. Un pala, cellphone na may radyo. Dapat kinakatok muna nila yung bahay na pinaghihinalaan nila. MGA BALAHURA KASI!  908638

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply