Kawawa na naman ang career officers ng COA

KINAKAWAWA ng pamahalaang Aquino ang mga career officer makaraang gawing chairwoman ng Commission on Audit ni Pangulong Noynoy Aquino si dating Finance Undersecretary Ma. Gracia Pulido Tan. Kasabay sa pagkakatalaga kay Tan ay ang appointment naman ni Auditor Heidi Mendoza bilang bagong commissioner ng COA.

Ayon sa COA insiders, wala silang personal na galit kay Tan at sa totoo lang daw maganda ang resume nito. Ang hindi lang daw maganda rito ay kung bakit kumuha pa si PNoy ng outsider gayung napakarami namang career officer na magagaling, matitino at mahuhusay para pamahalaan ang COA.

Kaya ang usap-usapan ngayon sa COA na palakasan at pulitika na naman ang umiiral bago ka magkaroon ng promosyon. Nung manalo kasi si PNoy nitong May 2010 elections, kaagad niyang ipinagmalaki na bibigyan niya ng oportunidad na makapamahala sa isang ahensiya ng pamahalaan ang career officers. Pero sa appointment ni Tan mukhang agrabiyado ang mga dating magigiting na public servant. E paano ngayon ‘yan, outsider ang inilagay sa COA, so matatagalan na naman para masugpo ang malalang korapsyon sa ahensya dahil tiyak na magsisipsip na naman ang mga bandido sa COA.

Ang isa sa mga dahilan na hindi mawala ang korapsiyon sa gobyerno ay ang padrino at palakasan system. Hanggang ngayon ay hindi pa nawawala ang  dalawang ito.

Akala ng marami, sa  tuwid na daan ay mawawala na ang palakasan pero ang tuwid na daan ay para lamang sa mga malalapit pa rin sa Palasyo.

Sa appointment ni Mendoza malaking hamon ito sa kanya na sana bukod sa ibinunyag niyang korapsyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) isaisahin na rin niyang idetalye ang naunang sinabi na may korapsiyon din sa ilang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Intelligence fund ng Philippine Air Force at iba pa. Johnny Magalona

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply