P140,000 natangay sa kelot

TINATAYANG aabot sa halagang P140,000 ang mga alahas at mahahalgang gamit ang natangay sa isang lalaki matapos na holdapin ng limang kalalakihan na sakay ng dalawang motorsiklo, Lunes ng hapon, Abril 4 sa Tondo, Maynila.

Sa isinumiteng report ng Manila Police District – Police Station 1  sa MPD Thaft and Robbery Section nakilala ang biktima na si Jose Uy,38, ng 396 Inocencio St.,Tondo, Maynila.

Habang pinaghahanap naman ang limang  salarin na tumakas agad pagkatapos ang insidente sakay ng dalawang motorsiklo.

Sa inisyal na imbestiagsyon ng MPD-Station 1 kalalabas lamang ni Uy sa FACES 2000 Salon na matatagpuan sa Pampanga St., Tondo, Maynila dakong 3:00 ng hapon nang harangin ito ng mga salarin.

Agad na tinutukan si Uy ng kalibre .45 at saka kinuha ang kanyang mga alahas at mahahalagang gamit.

Matapos ang panghoholdap ay  mabilis na tumalilis sa direksyon ng H.Lopez Bouvelevard Tondo, Maynila ang mga salarin.

Dumulog naman agad biktima sa MPD-PS1 Gagalangin PCP ngunit hindi na nahabol pa ng pulisya ang mga salarin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply