Kelot inutas sa Quiapo

PATAY ang 35-anyos na lalaki matapos barilin ng isang Muslim sa Quiapo, Maynila, iniulat kanina.

Kinilala ni P/Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District Homicide Section ang biktima na si Unos Bacaraman, ng Suguiran Lodge, Arligue St. Quiapo, Maynila.

Sa report ni SPO4 Danilo Vidad, dakong 8:30 ng gabi nitong Sabado nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Arligue St.

Naglalakad ang biktima nang makasalubong ang hindi nakilalang suspek kung saan bigla na lamang iyong bumunot ng baril saka walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima.

Sa imbestiagsyon, napag-alamang bago maganap ang krimen ay nagtalo pa umano ang suspek at biktima sa lengguwaheng Muslim.

Wala namang makapagbigay ng sapat na impormasyon sa pangyayari at kung ano ang motibo sa krimen. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply