Kelot itinumba ng West Side Tuazon Gang

“ONE MAN DOWN!”

Ito ang isinigaw ng isa sa miyembro ng West Side Tuazon Gang nang itumba ang 16-anyos na binatilyo  matapos barilin Sabado ng gabi, April 1 sa Malate, Maynila.

Kinilala ni P/Inspector Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District Homicide Section ang biktima na si John Paul Tadeo, ng 1979 F. Munoz, Malate, Maynila.

Pinaghahanap naman ang mga suspek na sina Marlon Andres, alyas Lalon Negro, 20, ng 2050 F. Munoz St., Malate, Mynila; Rolando Jubilag Jr., 18; Reagan Querubin, alyas Tisoy, 20; kapwa ng C. Tuazon St., at Jimboy Colinares, alyas Jayjay Aquino, 19, ng 1254 Gonzalo St., nasabi ring lugar, pawang miyembro ng West Side Tuazon Gang.

Sa imbestigasyon ni PO3 Giovanni Valera, alas 9:20 ng gabi nang bawian ng buhay ang biktima habang ginagamot sa Philippine General Hospital (PGH) sanhi ng tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo.

Inaalam naman ng pulisya kung may kinalaman sa awayan sa frat ang pagpatay sa biktima o sadyang nakursunadahan lang ito.

Bago maganap ang insidente, nabatid na kasama ng biktima ang kanyang kaibigan na nakatambay sa loob ng covered court sa Mataas na Lupa St., at F. Munoz Sts., Malate, Myanila.

Nagulat na lamang umano ang biktima at kaibigan nito nang biglang  sumulpot ang grupo ng suspek  at walang sabi-sabing itinutok ang baril sa biktima saka ipinutok.

Patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation ng pulisya para sa ikakaaresto ng nasabing grupo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply