Kelot kinuyog ng 5 sa videoke bar

DEDO ang isang kelot matapos pagtripan, pagtulungan at pagsasaksakin ng limang hindi pa nakikilalang mga lasing sa loob ng isang videoke bar sa Caloocan City, Biyernes ng gabi, Abril 8.

Dead on arrival sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan, si John Adrian Adriano, 22, ng Sampaguita st., Almar sa nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-onse ng gabi, kainuman ng biktima ang kaibigan na si Miguel sa loob ng isang videoke bar sa Almar Rd. ng lungsod nang makursunadahan ng mga suspek na lasing na.

Pinagtulungang pagsasaksakin ang biktima habang nakatakbo papalabas si Miguel upang humingi ng tulong.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman sa nasabing ospital si Adriano. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply