Kelot nag-amok sa school, 13 estudyante patay

NASAWI ang 13 habang nasugatan ang 20 makaraang mag-amok ang isang lalaki kung saan pinagbabaril ang mga ito sa loob mismo ng eskuwelahan sa Rio de Janeiro, Brazil.

Nabatid na pumasok sa Escola Municipal Tasso da Siveira si Wellington Menezes Oliveira, 24, at walang habas na pinagbabaril ang mga estudyante.

“May dala itong dalawang baril at maraming bala”, ayon sa spokesman ng Rio de Janeiro police force.

Nabatid sa Globo TV ng Brazil, agad na isinugod sa mga pagamutan ang mga biktima habang hindi pa batid kung nasaan ang suspek. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply