Kelot nagpahinga sa ilalim ng puno, tigok

TILA napasarap ang pagpapahinga ng isang 48-anyos na lalaki sa kanyang pagkakasandal sa ilalim ng puno matapos itong hindi na magising, Miyerkules ng hapon sa Ermita, Maynila.

Kinilala ni P/Insp.Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, ang biktima base na rin sa nakuhang Comelec ID nito na si Awe Mandangan Lamiin, Muslim, palaboy, tubong Green Mosque, Sikatuna St., Zapatera, Cebu City.

Dakong alas-6:45 ng gabi ng mapansin umano ng estudyante na si Danielle Cruz, 18, ang biktima na tila nagpapahinga lamang sa posisyon nitong nakaupong nakasandal sa ilalim ng isang puno sa may tapat ng Metropolitan Theater, Plaza Lawton, sakop ng Barangay 659, Zone 71, District 5, Ermita.

Ipinagbigay alam naman ni Cruz sa Lawton PCP ang nakita dahil napansin nitong parang hindi na humihinga.

Agad naman itong pinuntahan ng pulisya kung saan nadiskubreng patay na ang biktima.

Dinala sa St. Yvan Funeral ang bangkay ni Lamiin para sa autopsy at safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply