Kelot sinalubong ng saksak tigok

TIGOK ang isang binata matapos salubungin ng patalim at pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang salarin habang ang una ay papalabas ng videoke bar sa Caloocan City, Linggo ng madaling araw, Abrl 10.

Hindi na umabot ng buhay sanhi ng mga tinamong saksak sa tiyan ang biktimang si Yaser Villora, 34, residenete ng Katipunan st., Bagong Barrio ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-kwatro ng madaling araw, mag-isang umiinom ang biktima sa isang videoke bar sa De Jesus st., Bagong Barrio. Nang papalabas na ito ay walang sabi-sabing pinagsasaksak ng di nakilalalng lalaki.

Pagkatapos ng pananaksak ay agad na tumakas ang salarin habang dinala naman ang biktima sa MCU.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis upang makilala ang salarin at malaman ang motibo sa naganap na pananaksak. Rene Manahan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply