Kelot tigok sa nakagitgitan sa motorsiklo

TIGOK ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki na nakagitgitan ng una habang sakay ng motorsiklo sa Caloocan City, Martes ng gabi, Abril 26.

Dead on arrival sa FEU hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si Eleuterio Esteva, 43, ng Rose St., Payatas, Quezon City.

Batay sa ulat, dakong 7:45 ng gabi, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at pagsapit sa Kalayaan st., Franville Subd., ay nakagitgitan ang suspek sakay ng isang motorsiklo na hindi na nakuha ang plaka.

Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa bunutin ng suspek ang dalang baril at putukan si Esteva.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa FEU.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply