Kelot tigok, utol sugatan sa ginulping parak

DEDO ang isang lalaki, habang malubhang nasugatan ang kanyang kapatid matapos barilin sila ng isang pulis na nauna nilang ginulpi sa loob ng pampasaherong bus, Linggo ng gabi sa Mandaluyong City.

Kinilala ni Mandaluyong City chief of Police P/Sr. Supt. Armando Bolalin ang namatay na si Froilan Mercado, 26, habang nilalapatan naman ng lunas sa Mandaluyong Medical Center ang kapatid nitong si Francis Albert, 30, call center agent, kapwa ng #40 Narra St., Cerris 1, LEDC, Canlubang, Laguna.

Nasa panganagalaga naman ng Mandaluyong PNP ang suspek na si PO1 Joel Donceras Basas, kasapi ng Philippine National Police at nakatalaga sa PNP Maritime Group.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-one ng gabi sa kahabaan ng Edsa, sa tapat ng LCMC Bldg. sa Barangay Wack Wack, Mandaluyong City.

Sakay ng Cher Transport Bus (TYW 988) ang suspek at ang magkapatid na kapwa lasing sa alak patungong Laguna.

Dala ng kalasingan ay nagkaroon ng kasagutang pasahero ang magkapatid kaya namagitan si PO1 Basa at nagpakilalang police officer.

Nairita ang magkapatid sa pakikialam ng pulis kung kaya ito naman ang kanilang pinagbuntunan ng galit at kanilang pinagtulungang gulpihin.

Gayunman, nakasilip ng pagkakataon ang alagad ng batas na mabunot ang kanyang service firearms at pinutukan ang magkapatid.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang Taurus 9mm (TZC02244) na pag-aari ng PNP. Jhie Convocar

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply