Kelot tinarakan ng ka-tong-its tigok

NATODAS sa larong tong-its ang isang lalaki nang pagsasaksakin ng kalaro sa Quezon City.

Dead on arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC) sanhi ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan si Rolando dela Torre, 50, ng 98 Lucena St., Pael compound, Barangay Culiat.

Ikinasa na ang pagtugis upang panagutin sa krimen ang suspek na si Carlito Alceso, kapitbahay ng biktima.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Neil Garnace, ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit QCPD-CIDU), naganap ang insidente dakong 8:00 ng gabi kahapon sa Lucena St., Pael compound.

Bago ito, sa hindi malamang dahilan ay nagtalo ang biktima at ang suspek sa larong tong-its na muntik humantong sa suntukan pero namagitan ang mga barangay tanod at napaghiwalay ang dalawa.

Pero makalipas ang ilang minuto habang kausap ng biktima ang kanyang asawa at kapitbahay sa naturang lugar nang sumulpot ang suspek at agad pinagsasaksak ang una bago tumakas. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply