Kelot tinarakan, utas

UTAS ang isang binata matapos na pagsasaksakin ng isang hindi pa nakikilalang salarin pinaniniwalaang sabog sa ipinagbabawal na droga, Huwebes ng umaga sa Ana Maria  Heights Calooca City.

Ang biktima na namatay agad sa pinangyarihan sanhi ng mga tinamong saksak sa leeg ay nakilalang si Ernesto Gonzales, 23, walang hanapbuhay naninirahan sa Blk 3, lot 39 Anna Maria Hight ng nasabing lungsod,

Mabilis namang tumakas ang di nakilalalang salarin matapos na maisagawa ang krimen tangay ang patalim na kanyang ginamit sa pananaksak.

Sa ulat na natanggap ni Sr.Supt, Jude Wilsoon Santos, hepe ng Caloovan police, ganap na ala-singko ng umaga ng mangyari ang krimen sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, naglalakad ang biktma pauwi sa kanilang bahay ng makasalubong nito ang salarin pasuray-suray. Sa hindi malamang kadahilanan ay agad nagbuot ito ng patalim at tinarakan si Gonzales sa leeg na naging resulta ng kanyang magang kamatayan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang motibo sa pamamaslang sa biktima. Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply