Kelot todas sa ganti ng nakaalitan

PATAY ang isang 21-anyos na binata matapos pa-traydor na barilin ng dati nitong nakaalitan sa Tondo, Maynila Sabado ng madaling araw, Abril 16.

Kinilala ni P/Insp.Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima na si Jonard Driobinata ng 134 Malaya st., Tondo, Maynila.

Pinagahanap naman ang suspek na si Miguel Arambulo, alyas Egie ng 210 Alfonzo st., Balut, Tondo, Maynila.

Sa report ni PO2 Jose Gumilan, may hawak ng kaso, dakong alas-2:30 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa tabi ng Sea Oil sa Honorio Lopez st., Balut, Tondo, Maynila.

Ayon sa mga testigo na sina Ronald Zarra at Aubrey Joven, kapwa kaibigan ng biktima, magkakasama umano sila at papauwi na sa kanilang bahay nang makasalubong nila ang suspek sa lugar.

Nabatid sa mga ito na nagtanim umano ng galit ang suspek sa biktima dahil sa bintang na nasaksak ng una ang pinsan ng huli ilang buwan na ang nakalilipas.

Nang makalagpas na umano ang suspek sa kanila ay biglang bumuwelta ito at patalikod na binaril ng dalawang beses ang biktima.

Tinamaan ang biktima sa likurang bahagi ng kanyang katawan at nang makitang bumagsak sa kalsada ay mabilis na tumakas ang suspek.

Isinugod naman sa Tondo General Hospital ang biktima kung saan idinekara itong dead on arrival. Dinala sa Ivan Funeral Parlor ang bangkay ng biktima para sa autopsy. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply