Kelot utas sa suntok ng kaalitan

PATAY ang 45-anyos na lalaki matapos suntukin ng nakaalitan, Linggo ng tanghali sa Sta. Ana, Maynila, Abril 24.

Kinilala ang biktima na si Rodolfo Samortin, binata, ng 1868 Interior 17 A. Francisco St., Sta. Ana, Maynila.

Arestado  naman ang suspek na si Ruel Ramirez, 26, ng Oro B. Dagonoy St., Sta. Ana.

Sa ulat na ipinarating ni SPO1 Antonio Andales, desk Officer ng MPD-Station 6 sa tanggapan ng MPD-Homicide Section dakong 11:30 ng tanghali, isinugod umano si Samortin sa Sta.Ana Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Ang biktima ay namatay matapos suntukin ng suspek at mabagok ang ulo sa semento.

Nabatid na bago ang panununtok ay may pinagdedebatehan ang dalawa hanggang sa sapukin ng suspek ang biktima. Jocelyn Tabangcura Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply