Kidnapper ng Tsinay tiklo sa Maguindanao

NAARESTO nitong Martes, Abril 12, ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Miltar ang dalawang pinaghihinalaang dumukot sa isang negosyanteng Tsina nitong nakaraang Abril 1, sa Cotobato City.

Sa inisyal na ulat ngayong Abril 13, ni Col. Prudencio Aston ng Army’s 6th Infantry Division, ang mga nadakip na suspek ay kinilalang sina Abdul Kadil Jacaria at Bensar Guiamalon.

Ayon sa report, ang mga suspek ay naaresto sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa lalawigan ng Kabutalan, Maguindanao

Ang mga suspek ay kinilala ng mga testigo na dumukot sa 40-anyos na negosyanteng Chinese-Filipino na si Jinky Yap.

Nakakuha ang security forces ng granada, mga baril at isang motorized boat sa isinagawang operasyon sa naturang lugar.

Matatandaan na si Yap ay dinukot sa loob ng kanyang establisimiyento sa Sinsuat, Cotobato City.

Si Yap ay pinakawalan ng mga suspek nitong nakaraang Abril 10 sa Barangay Tomobonan, Maguindanao.

Ang mga kidnappers ay humingi ng P15-million ransom, pero bumbaba ang ransom sa P500,000. Hindi pa batid kung ang pamilya ng biktima ang nagbigay ng salapi sa mga kidnappers.

Magugunita na isa ring Chinese-Filipino businessman, na si Adin Yu, ay dinukot noong nakaraang January, at nananatili pa sa kamay ng mga kinappers. Johnny F. Arasga

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply