Kiko pinatahimik ni Miriam sa impeach trial

PINATATAHIMIK ni Sen. Miriam Defensor Santiago si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa pagbibigay ng pahayag laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ayon kay Santiago, sila ang tatayong hukom kaya’t dapat ay nag-iingat ng pahayag ang mga kapwa niya Senador.

Ipinaliwanag ni Santiago, noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada ay wala silang nabuong rules hinggil dito, subalit may restriksyon din naman silang sinusunod bilang delicadeza sa sarili.

Aniya, mistulang “empty” ang impormasyon dahil sa walang ginamit na rules.

Samantala, binigyang diin naman ni Santiago na walang problema ang naging timing ng Ombudsman hingil sa isyu ng fertilizer fund scam nina Cito Lorenzo at Jocjoc Bolante at wala itong magiging epekto sa impeachment trial.

“Hindi ito dahilan para ipabalewala at hindi rin maiututuring insulto sa Senado ang pagbubukas ng fertilizer fund scam,” diin ni Santiago.

Iginiit nito na dapat na isipin na lamang na kahit na tumagal ang kaso, maituturing itong kasaysayan dahil sa tagal ng resolusyon ng Sandiganbayan. Vicky Cervales

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply