Kilos-protesta ikakasa sa Labor Day

ISANG kilos-protesta sa Araw ng Paggawa o Labor Day sa Mayo 1 ang ikinakasa ng mga manggagawa matapos na tablahin ng Malakanyang ang panukalang P125 across the board wage hike sa mga pribadong manggagawa.

Nagbabala ngayon, Abril 6, si Rep. Rafael Mariano ng Anakpawis Party-list, may akda ng House Bill 375, na nahaharap ang administrasyong Aquino sa “perfect political story” ngayong summer dahil sa mga kilos-protesta ng libu-libong manggagawa na ilulunsad bunsod ng pagtutol nito sa pagtataas ng sweldo.

Inihayag pa ni Mariano, mauuna nang magsagawa ng kilos-protesta ang libu-libong empleyado ng gobyerno upang igiit ang P6,000 dagdag-sahod samantalang ang  Kilusang Mayo Uno (KMU) ay idineklarang “Day of Outrage” ang May 1.

Maging si Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colminares ay nanawagan na itaas na ang sweldo ng iba pang kawani ng pamahalaan at ang mga manggagawang tumatanggap ng minimum wage dahil labis na pabigat na ang sunud-sunod na pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Kaugnay nito, naniniwala din si Colmenares na ang dagdag-sahod sa mga huwes ay makababawas ng  katiwalian sa hudikatura subalit dapat  pa rin umanong pinipili ng palasyo ang mga dapat bigyan ng dagdag-sahod. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply