Kim Chiu balak kanain ni Jolo Revilla

IPINAGTAPAT ni Jolo Revilla kay Dolly Ann Carvajal nang magkita sila nito sa Boracay nung Semana Santa na plano niyang ligawan si Kim Chiu. Pero huwag daw sanang ipagsabi yun ni Dolly.

Pero ang sikretong yun ni Jolo ay ibinisto pa rin ni Dolly Ann sa kanilang show na “Paparazzi” nung Linggo. Hindi siya tumupad sa usapan nila ni Jolo.

Magkasama sa bagong serye ng ABS-CBN na “Binondo Girl” sina Jolo at Kim. Pag nakarating kay Kim na type pala siya ng binata ni Sen. Bong at balak siya nitong ligawan, hindi kaya maging dahilan yun para mailang na siya rito?

oOo

Melai, Jason magtagumpay kaya sa pelikula?

MAY launching movie na ang reel and real loveteam na sina Jason Francisco at Melai Contiveros. Ang tentative title nito ay “Fureza” mula sa Star Cinema at sa direksyon ni Soxy Topacio.

Happy siyempre si Jason na pinagkatiwalaan sila ni Melai na bigyan ng launching movie ng naturang kumpanya. But at the same time ay kinakabahan din siya.

“Kasi iba po ito na sa big screen na kesa dun sa mga dati namin na nagbida kami sa TV lang, di ba? sabi ni Jason.

Wish ni Jason na sana ay suportahan sila ng kanilang fans.

“Feeling ko po magiging masaya naman ang makakapanood kasi po pampamilya ang movie namin. Sana po kumita yun kasi kung maganda ang feedback at marami po ang manood, break na rin sa amin para magkaroon kami ng susunod na project,”aniya pa.

Well, sa tingin namin, kikita ang movie nina Jason at Melai. Marami na kasi silang fans, sa totoo lang. Kahit hindi na sila teenager ay marami pa rin ang kinikilig sa tambalan nila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply