Koleksyon ng LTO tumaas sa P13B

MAHIGIT sa P13 bilyon ang kinita ng Land Transportation Office (LTO) noong taong 2010 na tumaas ng 7.41 percent kumpara noong 2009.

Ito ay bunsod ng pagdami ng bilang ng rehistro ng mga sasakyan noong 2010 na umaabot sa 6.66 percent o 6.6 bilyong sasakyan na nairehistro noong 2010 at mula sa penalty at iba pang mga bayarin mula sa 800,000 violators ng iba’t ibang batas trapiko nationwide.

Ang LTO National Capital Region, Region 4A at Region 3 ang may pinakamataas na revenue sa hanay ng mga LTO regional offices sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi ni LTO OIC Raquel Desiderio na kasabay ng pagdiriwang sa ika 99th foundation anniversary ng LTO, ang pagbusisi sa proseso ng pagre-rehistro ng mga sasakyan, pagpapabuti ng ahensiya bilang isang frontline agency at pagsawata sa korapsiyon ang mga prioridad pa ng pamunuan upang mapahusay ang pagseserbisyo sa publiko.

Ito  ay sa ilalim ng programang  ROAD less Traveled, Road Standing for Reform, Organization  and Advocacy development ng LTO –DOTC.

Lubos din ang tiwala ng DOTC na sa  2016 na mas mabibigyan pa ng mas di-kalidad  na  serbisyo publiko ang mga taumbayan sa pamamagitan ng mas mahusay at ligtas na paglalakbay  ng publiko sa kani kanilang destinasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply