Kolektor nabiktima ng tatlong holdaper

NAHOLDAP ang isang kolektor ng tatlong kalalakihan, kabilang ang isang menor-de edad, habang ang una ay naghihintay ng masasakyan sa Malabon City Linggo ng hapon.

Swak sa kulungan ang mga suspek na sina Jefril Domingo, 20 at ang 16-anyos na si “Joshua” (hindi totoong pangalan), subalit nakatakas ang kasama nilang si Angelito Punay.

Ang tatlo ay pawang mga residente ng Barangay Longos sa nasabing lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Joan Clopino, 29, kolektor ng Orange Grove at residente ng Balingasa, Quezon City, ganap na 2:15 ng hapon ay naghihintay siya ng masasakyan sa Maya-Maya St. sa nasabing lungsod nang lapitan at holdapin ng mga suspek.

Aniya, kinuha ng mga suspek ang kanyang body bag na may lamang P5,000 at make-up kit at pagkatapos ay nagsitakas ang mga ito.

Nakahingi ng tulong ang biktima sa mga pulis at sa isinagawang follow-up operation nahuli ay nadakip ang dalawa.

Iniulat din na dala ng nakatakas na si Punay ang mga nakulimbat ng grupo. Rene Manahan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply