Kolorum na bus huwag sakyan—LTFRB, LTO

NANAWAGAN ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ang Land Transportation Office (LTO) sa mga kababayang pabalik ng Maynila na maging extra vigilant at huwag sumakay sa mga kolorum.

Ang panawagan ay magkahiwalay na ginawa ng liderato LTFRB at LTO sa dami ng mga reklamong tinanggap ng dalawang ahensiya ng gobyerno hinggil sa matitigas ang ulong bus operators na walang franchise at bumibiyahe pa rin.

Nauna rito, sinabi ng composite agency ng Department of Transportation and Communications-LTFRB-LTO-PNP-Highway Patrol Group, 14 na passenger bus patungong ibat-ibang probinsiya ang pinigil dahil sa kawalan ng permit galing sa (LTFRB).

Ayon sa inter-government agency na malaking tulong para sa kanilang grupo kung ang mga pasahero ay makikipagtulungan sa pamamagitan ng hindi pagsakay sa mga kolorum na bus pabalik ng Maynila.

Bukod pa sa kolorum ay may mga tinanggap na report ang composite team na merong mga legitimate bus operators ang bumiyahe na suspendido naman ang mga franchise, at kumpiskado ang mga LTO-license plates.

Kaugnay sa mga reklamong tinanggap ng composite team ng Inter-government agency sinabi ng mga ito na handang handa na ang kanilang tropa para sa pagbabalik ng libo-libong mga kababayan galing sa ibat-ibang probinsiya sa pagbabakasyon.

Ayon kay DoTC-Undersecretary and spokesman Dante Velasco ini-reactivated na nila ang “Oplan” “Isnabero” na tutugon sa mga abusadong taxi drivers.

Ayon kay Velasco ngayon pa lang ay handa na ang lahat ng mga operatives ng Inter-government agency kabilang ang PNP-HPG at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang tugunan ang anumang reklamong ipararating sa kanila nang mga kababayan natin. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply