Kongresista sa Ombudsman: Gayahin mo ang deputy mo

MAGBITIW ka na rin!

Ito ang naging panawagan ng isang kongresistang kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III kay Ombudsman Merceditas Gutierrez matapos magbitiw ang ang deputy ng huli.

“Merci should do a Mark (Jalandoni),” panawagan ni Quezon City Rep. Winnie Castelo, isang miyembro ng Liberal Party.

Nauna rito ay nabalitang nagsumite na ng irrevocable resignation si Deputy Ombudsman for Luzon Mark Jalandoni sa gitna ng maraming reklamong kinakaharap nito sa Office of the President.

“In case Ombudsman Gutierrez likewise resigns, such resignation is not an admission of guilt.  It is putting the higher interest of the nation above personal conviction,” ani Castelo.

Kung magbibitiw agad si Gutierrez, ani Castelo, ay maiiwasan na ang “long and tedious ordeal” ng impeachment trial sa Senado.

Hindi na rin umano maaabala ang 11 kongresistang bubuo ng prosecution panel nasabing trial.

Kung mangyayari umano ito ay mahaharap ng mga mambabatas nang walang abala ang pagpapasa ng mga panukalang batas na siyang kailangan ngayon ng bansa, lalo na sa larangan ng ekonomiya.

“Let us give it a chance to work,” dagdag pa ni Castelo. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply