Kontaminadong tubig tinapon ng Japan walang epekto sa PH

AYON sa Department of Science and Technology (DOST), hindi makararating sa Pilipinas ang radiation dulot ng itinatapong higit sa 11,000 toneladang kontaminadong tubig mula sa napinsalang Fukushima Daiichi nuclear power plant sa dagat.

Ang nasabing tubig ay may mababang antas lamang ng radiation, ayon sa DOST.

Sinabi rin ni Science and Technology Secretary Mario Montejo na maglalaho rin ang kontaminadong tubig na ito dahil napakalawak ng karagatan.

Tiniyak din ni Montejo na hindi na ito aabot pa sa Pilipinas.

Sa kabila nito, upang makasiguro, minabuti ng gobyerno na ipasuri ang mga isda at iba pang lamang-dagat na galing sa Japan upang malaman kung mayroong kontaminado ng radiation. Bineza Zapanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply