Kontratistang ISO-certified lang ang puwede sa bidding – DPWH

HINDI papayagan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na makapag-bid ang mga kompanyang walang ISO certification para sa mga proyekto ng kagawaran.

Ito umano ay upang tiyaking naaayon sa standard ng pandaigdigang komunidad ang mga pagawain ng DPWH.

Ayon kay Public Works Secretary Rogelio Singson, idinagdag ang bagong requirement, na nakapaloob sa inisyu niyang Department Order No. 49, upang masala ang mga kontratistang hahawak ng infrastructure projects na may halagang mula P100 milyon hanggang P300 milyon .

Magiging epektibo ang department order ni Singson sa Enero 1, 2013, kaya’t may dalawang taon pa ang mga kontratista para makapasa at makakuha ng ISO certification sa mga accredited na tanggapan.

Sa nasabing utos ay kailangang magkaroon ng ISO 9000 certification ang mga kontratista na nasa listahan ng Large A, Medium B, at Medium A upang makasiguro ang pamahalaan na ang mga proyekto ay nito ay de-kalidad.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply