Korapsyon sa DENR lalansagin

LALANSAGIN ang lahat ng korapsyon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ipinangako ni Secretary Ramon Paje kahapon.

Ani Paje, inatasan na niya ang lahat ng opisyal ng Internal Audit at Anti-Corruption Office na magsagawa ng anti-corruption program sa kanilang departamento upang agad na mahuli ang mga gumagawa ng kabulastugan.

Sa DENR Special Order No. 2011-177 na inisyu noong Marso 3, 2011, inatasan si Assistant Secretary Daniel Nicer ang Internal Audit Service (IAS) na direktang pamahalaan ang lahat ng Personnel Investigation Division ng Legal Service, gayundin sa Special Action and Investigation Division.

Kahit na lumabas sa huling survey ng Pulse Asia na ika-apat na puwesto ito sa “least corrupt” government agencies sa bansa, hindi pa rin umano sila titigil sa paglilinis dito.

Nais umano ni Paje na panatilihin at pataasin pa ang rating ng kagawaran hanggang maging ganap na malinis ito sa korapsyon.  Nenet L. Villafania

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply