Kotse, inabandona sa harap ng MPD-Press Office

NABABAHALA ngayon ang ilang miyembro ng media at kapulisan dahil sa isang nakabalagbag na kotseng inabandona  sa harapan mismo ng Press Office sa Manila Police District sa United Nations sa  Ermita, Maynila.

Ang nasabing sasakyan na iniwan kahapon, Abril 4 ay isang Honda (VDW 974) na kulay gray na marumi, may mga gasgas sa kaliwang bahagi nito, flat ang isang gulong sa kanang  harapa at nakabalgabag pa ang pagkakaparada sa harapan ng nasabing opisina ng mga pulis.

Nabatid na walang nakapansin kung sino nag-iwan  sa nasabing kotse sa naturang opisina.

Dahil dito, nagpatawag ng Bomb squad  si Bening Batiugas, ang presidente ng MPD-Press Office upang mabuksan ang nasabing kotse at malaman kung ano ang nasa loob nito para mapanatag na rin ang ilang mga miyembro ng media.

Sa kasalukuyan ay hirap pa ring buksan ang pintuan ng kotse kaya’t hindi pa mabatid kong ano ang mga bagay na nasa loob nito.Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply