Kotse sumalpok sa poste, 1 patay, 2 sugatan

DEDO ang isang Chinese national habang dalawa pang kalahi nito ang malubhang nasugatan matapos bumangga ang sinasakyang kotse sa konkretong poste sa Binondo, Maynila, Lunes ng madaling-araw, Abril 18.

Hindi na umabot nang buhay sa Metropolitan Hospital ang biktimang si Lian Suan habang inoobserbahan pa sina Ping Lig Lig at Kwin Liang-Liang, pawang Chinese national.

Sa ulat ng MPD- District Traffic Enforcement Unit ng MPD (MPD-DTEU), dakong ala-una ng madaling-araw nang bumangga sa konkretong poste sa may Binondo Church ang sinasakyang Toyota Cambri (XPT 688) ng mga biktima na minamaneho ni Qui Zengze.

Ayon sa ilang testigo sa lugar, lango sa alak ang driver na si Zengze at sa bilis ng takbo ng kanyang pagmamaneho ay hindi na nito nagawang umiwas pa sa poste.

Bumangga ang kanilang sinasakyan at tumilapon ang mga biktima ng 50 metro.

Masuwerte namang hindi nahagip ang isang pamilya na natutulog sa gilid ng bangketa ngunit minalas naman ang kasama ng driver dahil namatay ang isa habang iniobserbahan ang dalawa pa niyang kasama. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply