Krimen sa Metro Manila bumaba sa salvaging

MAGANDANG balita ang inihahayag ng National Capital Region Police Office na malaki ang ibinawas ng krimen sa Metro Manila.

Maaari nga.

Ang tanong lang, eh, makatutulog na nga ba kami ng mahimbing kahit sa aming mga tahanan?

Sana nga po.

Pero iniisip natin, totoo nga ba talaga? Maaari dahil nauna pa yata kina Sally Ordinario-Villanueva ang maraming maliliit na kriminal na kinuha ni Lord. Hindi ba halos araw-araw na may natatagpuang biktima ng salvaging?

Paano ‘di mauubos ang mga street criminal na yan? At ito ba ang dahilan kung bakit malaki ang iniliit ng krimen sa nakalipas na tatlong buwan ngayong taon?

Nagtatanong tayo dahil ang gustong sabihin ng ilang kapulisan, eh, dahil sa kanilang pagpapatrulya.

Preventive ang istayl na ito. Kapag nakakita umano ang mga kriminal ng mga nagpapatrulyang pulis, tigil pasada ang mga ito.

Totoo naman. At maaari ring nakabawas talaga ito ng krimen.

Meron lang tayong napapansin. Ang hindi yata nababawasan na street crime ay ang kotong.

Lumalala pa yata. Dahil sa pagdami ng mga sasakyan kung saan-saang ruta, dumarami rin ang mganangongotong.

Heto pa.

Hindi na sa kalsada ginagawa ang ilang kotong. Mayroon na palang ATM na doon inihuhulog ang mga kotong at ginagamit ito sa laban sa mga association ng mga dyipni.

Magtanong pa kayo sa iba’t ibang organisasyon.

Mayroon naman tayong nasundan nitong nagdaang mga linggo lamang sa United Nations Avenue na kotongista. Biglang humarang ang isang patrol car sa isang 40-footer container van sa United Nations Ave., Manila patungong Malakanyang.

Nakinig tayo sa mga usapan. Pinara ang container van ng mga patrol dahil nakabalagbag daw iyon.

Anak ng tokwa, kitang-kita naman namin na ang police patrol ang bumalagbag sa harapan ng contaniner van.

P100 ang ibinayad ng helper para hindi na lamang sila maistorbo.

Meron pa tayong nalaman. Mas mahal pala ang kotong may tatak na HPG kaysa ang may tatak na Patrol Car.

Kahit saan nakikita ito sa Metro Manila, Gen. Nick Bartolome, Sir. Ilan na ba ang nasibak na kotongista kumpara sa mga biktima ng salvaging?

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply