Kris Aquino “diyosa” ng mga sawsawera sa Malacañang

YES, maraming nakikisawsaw sa kaso ni Willie Revillame pero may ilang tao lang talaga’ng nagpakana ng lahat for this to bloom into a national if not world controversy.

Anyway, malinaw sa TV na lumalabas yung Mrs. Carandang something na konektado sa ABS-CBN at Malacañang. Anong pruweba meron yun? Di ba malinaw, may sabwatan ang Malacañang at ang naturang TV network?

Basta malinaw na yung pagbabakasyon ngayon ni Kris Aquino, kasama ng mga anak niya ay masyadong amoy-malansa. Umiiwas ba siyang madawit sa gulo?

Kung kami ang tatanungin, puwedeng bossing ng mga sawsawera si Kris Aquino dahil nga sino pa ba’ng interesado mula pa noon sa puwesto ni Willie Revilame sa puso ng masa? O di ba, she took over Willie’s slot sa ABS to no avail. Kaya nga siya ibinasura ng publiko. Kaya nga asahang ala-moro-moro lang ang gagawing paglilitis sa kaso ni Willie Revillame. Tiyak na tiyak yun.

Artistang bagets call boy

Nadulas ang dila ng isang bading nang makabasa ng ilang blind items tungkol sa mga guwapong artistang sideline ang pagko-callboy.

Clean-image ang matangkad na bagets pero may pinakatagu-tago pala siyang lihim.  Call boy pala siya kahit na noong panahong artista na siya at mismong ang nakausap namin ay ang mall exec na siyang nagkuwentong lagi niyang pinupuntahan sa apartment na inuupahan noon ng naturang bagets.

“We became friends, nagkikita kami mismo sa bahay niya,” impormasyon pa ng kausap namin.

Clue? Sa ngayon out sa sirkulasyon ang bagets dahil natabunan ng maraming winner ng pakotnes ng isang TV network. But there was a time na talaga namang tinitilian siya ng mga baklita’t malanding fans. O di ba, Leo Bucas? Cesar Pambid

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply