Krisis sa bigas ibinabala

NAGBABALA ng krisis sa bigas si Anakpawis Rep. Rafael Mariano kung hindi ito agad na hahanapan ng solusyon ng administrasyong Aquino.

Inisyu ni Mariano ang pahayag matapos sabihin ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na “one of the possible flashpoints being watched by the local intelligence community was the supply and prices of rice worldwide.”

Giit ni Mariano na ang krisis sa bigas ay tunay na suliranin na kinakaharap ng Pilipinas na dapat solusyunan ng tamang produksyon ng bigas.

Nangangamba si Mariano na ang krisis na ito sa bigas ay maaaring mas malala pa sa krisis na naganap noong 1995 at 2008.

“Indeed, this food security problem would exacerbate social and political tensions and is now turning into a national security concern,” ayon kay Mariano.

Aniya, ang higit na  nakakatakot ay kapag nagkaroon ng krisis sa bigas ay posibleng mauwi ito sa malawakang protesta at food riot.

Lalala aniya ang sitwasyong ito kung pababayaan ng administrasyon ang mga magsasaka, magpapatuloy ang kumbersyon ng lupa at importasyon ng bigas maging ang balaking pagbuwag sa National Food Authority, korapsyon sa pondong agrikultural at rice cartel. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply